
SEKISUI CHEMICAL Group
Global Hotline
Home
Ginawa ang internal reporting channel na ito upang maaga naming makita ang anumang mga problema na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa Kumpanya tulad ng pandaraya upang matiyak ang maayos na operasyon nito.
Kabilang sa mga halimbawa ng mga bagay na maaaring i-report ay ang signipikong paggawa ng hindi tama at mga paglabag na may kaugnayan sa compliance o mga bagay na maaaring maging dahilan nito.
Titiyakin namin na ang mga magsusumbong ay hindi makakaranas ng hindi patas na pagtrato dahil sila ay nagreport, at papangalagaan namin ang kanilang personal na impormasyon.
Maaari ring mag-report ng paglabag nang hindi nagpapakilala.
Gayunpaman, kung ang iyong ulat ay Walang Katotohanang pag-uulat o konsultasyon, pag-uulat o konsultasyon para sa layunin ng paninirang-puri o maling pagpaparatang sa iba, at pag-uulat o konsultasyon para sa iba pang masasamang layunin, maaaring hindi Namin tanggapin ang iyong ulat.
Huwag mag-atubiling gamitin ang channel na ito upang magsumbong kung mayroon kayong nakitang anumang paggawa ng hindi tama o iligal na gawain sa Kumpanya.
Gumawa ng Bagong Report / Tingnan ang Sagot / Magdagdag ng Impormasyon
Mangyaring piliin ang bansa kung saan naroon ang inyong kumpanya bago magsimula.
Tungkol sa Website
Mga bagay na maaari ninyong i-report
Maaari ninyong i-report ang mga sumusunod na bagay:
・Mapanlinlang na accounting
・Money laundering
・Paglulustay
・Panunuhol
・Pandadaya ng bid at mga kartel
・Pagbubunyag o personal na paggamit ng impormasyon ng kumpanya o ng kustomer
・Maling representasyon
・Salungatan ng interes
at iba pang maling gawain o paglabag sa batas
Hindi kayo maaaring mag-report tungkol sa mga mga kaganapang may kinalaman sa personnel at labor, or personal na mga relasyon sa kumpanya.
Mga taong maaaring gumamit ng reporting channel na ito
Lahat ng bansa o rehiyon maliban sa EU
Ang reporting channel na ito ay maaaring gamitin ng lahat ng empleyado, pansamantalang empleyado, at dating empleyado ng SEKISUI CHEMICAL CO., LTD Group.
Sa loob ng EU
Ang reporting channel na ito ay maaaring gamitin ng mga empleyado, mga nagtatrabaho sa mga eksternal na kontraktor, mga volunteer, mga dating empleyado, mga naghahanap ng trabaho, iba pang hindi kasalukuyang nagtatrabaho sa Group, mga shareholder, at iba pang nagtatrabaho kasama ang Group.
Mga taong protektado ng batas alinsunod sa pagrereport
Lahat ng bansa o rehiyon maliban sa EU
Ang nagreport lamang ang poprotektahan.
Sa loob ng EU
Poprotektahan ang nagreport, ang pamilya ng nagsumbong, mga malapit na kamag-anak, at iba pang taong may kaugnayan. Ang saklaw ng proteksyon ay maaaring mas malawak depende sa bansa.
Mga kundisyon upang maprotektahan ng batas
Makakatanggap kayo ng proteksyong legal kung ang inyong sumbong ay wasto at hindi intensyonal na walang katotohanang report, at mayroon kayong resonableng batayan sa panahon ng pagsusumbong kaya kayo naniniwalang tama ang inyong report. Patuloy pa rin kayong poprotektahan ng batas kahit napag-alaman kalaunan na mali ang inyong report.
Mga respondent ng reporting channel
Ang mga sumusunod na tao o ang division in charge ang mga responsable sa paghawak ng mga report na isinumite sa reporting channel na ito:
SEKISUI Chemical Group Whistle blowing contact office
Legal Department
SEKISUI Chemical Co.,Ltd.
* Hindi kabilang ang mga persons in charge ng compliance sa bawat grupo ng kumpanya.
Paano gamitin
Paano gumagalaw ang internal reporting channel
Ginawa ang internal reporting channel na ito upang maagang makita ang anumang mga problema tulad ng pandaraya na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa Kumpanya at upang matiyak ang maayos na operasyon nito. Ang lahat ng report na makukuha ng tanggapang ito ay ipapadala sa Nippon SEKISUI CHEMICAL Industrial CO., LTD(SEKISUI Chemical Group Whistle blowing contact office) lamang at hindi makikita ng namamahala sa lokal na kumpanyang kinabibilangan mo.
Ang operasyon ng reporting website na ito at serbisyo ng pagtanggap ng report ay pinaubaya ng SEKISUI CHEMICAL CO., LTD. sa D-Quest, Inc., isang third-party organization. Ang mga report ay nakatabi at hinahawakan sa isang server na protektado ng advanced security at independent mula sa Kumpanya. Walang impormasyon na magpapakilala sa nagreport ang ibibigay sa Kumpanya maliban na lamang kung boluntaryong naglabas ng impormasyon ang nagreport. Maaari kayong magreport nang nagpapakilala o hindi depende sa inyong nais.
Daloy ng pag-uulat
Kapag nag-report ka, irerehistro ang impormasyong ini-report mo sa server na pinamamahalaan ng isang system management company ng Japan (D-Quest). Kapag nairehistro ang ini-report mong impormasyon, ipapaalam sa iyo ang 13-digit na “Report Number”. Makikipag-komunikasyon sa site na ito ang whistle blower at ang tanggapan gamit ang “Report Number”. Maaari ka rin magbigay ng karagdagang katanungan. Sa prinsipyo, ang resulta ng imbestigasyon ay ipapaalam rin sa iyo.
FAQ
Madalas Itinatanong
A.Ang Sekisui Chemical Group Global Hotline (“Global Hotline”) ay isang komprehensibo at kumpidensiyal na kasangkapan para sa pag-uulat na pinapatakbo ng D-Quest na nagbibigay-daan sa mga empleyado at tagapagsumbong na tagalabas na mag-ulat ng mga paglabag. Sa ganitong paraan, nalalaman ng Sekisui Chemical Group (“SEKISUI”) ang tungkol sa mga potensiyal na panganib at maaaring pigilan ang pinsala sa SEKISUI mismo, sa mga empleyado nito at mga ikatlong partido, pati na rin protektahan ang mga indibidwal na maaaring mapinsala ng maling asal.
A.Pinapayagan ng Global Hotline ang mga empleyado ng SEKISUI at katuwang nito sa negosyo na mag-ulat ng anumang paglabag sa mga batas, regulasyon, mga patakaran ng kompanya natin, o iba pang alalahanin na maaaring mayroon ka. Maaaring batay ang mga alalahanin sa alinman sa uri ng maling asal, ang potensiyal na epekto sa SEKISUI, o pareho. Kasama sa mga halimbawa ng maling asal ang mga kilos na:
-Nagsasangkot o maaaring magresulta sa materyal na hindi tamang pinansiyal na pag-uulat;
-Nauugnay sa kaduda-dudang kasanayan sa accounting, pandaraya, o mga bagay na may kinalaman sa pag-audit;
-Nakakaapekto sa ligtas na kapaligiran sa lugar ng trabaho;
-May kinalaman sa etika o pantay na mga oportunidad sa trabaho, kabilang ang diskriminasyon, panliligalig o paghihiganti;
-Labag sa batas;
-Lumalabag sa anumang patakaran ng kompanya o regulasyon ng kompanya sa isang aspektong materyal;
-Kung hindi man ay katumbas ng malalang di-nararapat na asal.
A.Ang ideyal ay dapat mong ilapit ang anumang alalahanin sa direktang tagapamahala mo o miyembro ng pangkat ng mga tagapamahala ng kompanya mo. Kinikilala namin, gayunpaman, na maaaring may mga pagkakataon na hindi ka komportable sa pag-uulat ng isyu sa ganitong paraan. Para sa mga ganitong pangyayari namin ipinatupad ang Global Hotline. Mas gugustuhin naming mag-ulat ka nang hindi nagpapakilala kaysa sarilinin ang impormasyon.
A.Tiyak na gusto namin ito. Maaaring mayroon kang paunang kaalaman tungkol sa isang aktibidad na maaaring maging sanhi ng pagkabahala. Maaaring makabawas ang pag-uulat mo sa potensiyal na negatibong epekto sa kompanya at sa mga tao natin.
A.Direktang inilalagay ang mga ulat sa ligtas na server. Magagamit lamang ang mga ulat na ito ng mga partikular na indibidwal sa loob ng SEKISUI na inatasan na magsuri ng ulat, batay sa uri ng paglabag at lokasyon ng insidente. Nagkaroon na ang bawat isa sa mga tumatanggap ng ulat na ito ng pagsasanay sa pagpapanatiling lubos na lihim ang mga ulat na ito.
A.Walang mga panloob na log ng koneksiyon na may mga IP address ang nabubuo o pinapanatili, kaya walang impormasyon na nag-uugnay sa PC mo sa Global Hotline ang magagamit ng SEKISUI. Kung hindi ka komportable sa paggawa ng ulat sa PC mo sa trabaho, mayroon kang opsyon na gumamit ng PC sa labas ng lugar ng trabaho natin o sa smartphone mo.
A.Pinoprotektahan ng Global Hotline ang pagiging di-kilala mo. Kung pipiliin ng isang nag-uulat na gumawa ng ulat nang hindi nagpapakilala, dapat protektahan ng D-Quest ang pagkakakilanlan ng nag-uulat mula sa pagkakabunyag sa SEKISUI. Gayunpaman, kung gusto mong manatiling hindi nagpapakilala, kailangan mong tiyakin na hindi ibinubunyag ng katawan ng ulat ang pagkakakilanlan mo nang hindi sinasadya. Bukod pa rito, may posibilidad na malaman ng mga kinatawan ng SEKISUI ang pagkakakilanlan ng nag-uulat sa pamamagitan ng imbestigasyon. Sa ganitong mga kaso, pananatilihin ng mga kinatawan ng SEKISUI ang pagiging kumpidensiyal ng pagkakakilanlan ng nag-uulat.
A.Tinitiyak ng Global Hotline na hindi binibigyan ang mga sangkot na partido ng pag-akses sa mga ulat kung saan sila pinangalanan.
Tungkol sa Cookies
Ang website na ito ay gumagamit ng cookies hanggang sa kinakailangan na sesyon upang mapanatili lamang ang sesyon, at hindi ito maiiwan o gagamiting muli pagkatapos ng sesyon.