SEKISUI CHEMICAL Group
Global Hotline

Home

Ang reporting channel na ito ay inihahatid upang matuklasan at matugunan ang mga isyu na maaaring magdulot ng negatibong epekto tulad ng panlilinlang, at upang matiyak ang maayos na operasyon ng Sekisui Chemical Group.
Maaari kayong mag-report ng mga makabuluhang maling gawain, mga paglabag sa compliance, at iba pang gawain na maaaring humantong sa mga ganitong isyu.

Ginagarantiya namin na hindi haharap sa anumang hindi patas na trato ang mga reporter dulot ng pagsasagawa ng report, at ang kanilang mga personal na impormasyon ay papangalagaan.
Maaari rin kayong magsumite ng report ukol sa hindi pagsunod nang hindi nagpapakilala.

Gayunpaman, kapag ang inyong report ay walang katotohanan, mayroong intensyon ng paninirang-puri sa ibang tao, o ginawa para sa iba pang hindi tamang dahilan, maaaring hindi namin tanggapin ang inyong report.

Kapag nakakita kayo ng anumang maling gawain o aksyong labag sa batas sa loob ng Sekisui Chemical Group, mangyaring huwag mag-atubiling gamitin ang reporting channel na ito.

Gumawa ng Bagong Report / Tingnan ang Sagot / Magdagdag ng Impormasyon

Mangyaring piliin ang rehiyon kung saan ka matatagpuan.

Paano gamitin

Paano gumagalaw ang internal reporting channel

Ipinagkatiwala ng Sekisui Chemical Group ang operasyon ng reporting website na ito at ang mga serbisyong pagtanggap ng mga report sa D-Quest, Inc., na isang ikatlong partidong organisasyon. Ang mga report ay nakaimbak at pinamamahalaan sa server na protektado ng advanced security na hindi umaasa sa Sekisui Chemical Group. Walang impormasyon na maaaring magbunyag ng pagkakakilanlan ng reporter sa Sekisui Chemical Group maliban na lamang kung boluntaryo nilang ibinunyag ang impormasyon. Maaari kayong mag-report nang hindi nagpapakilala o nagpapakilala, kung ano ang nais ninyo.

Daloy ng pag-uulat

Ang inyong report ay nakarehistro sa server na hosted ng D-Quest, Inc. Mag-iisyu ng 13-digit na Report Number matapos marehistro ng inyong report.
Ang reporter at ang respondent ay makikipag-komunikasyon sa isa’t isa sa reporting website na ito gamit ang Report Number. Maaari kayong magdagdag ng iba pang katanungan.

Iba pang mga Channel

Mga reporting channel ng pamahalaan (para sa EU lamang)

Maaari rin ninyong kontakin ang mga panlabas na reporting channel. Para sa EU region, available ang mga sumusunod na panlabas na reporting agency:

FAQ

Madalas Itinatanong

A.Ang Global Hotline ng Sekisui Chemical Group (“Global Hotline”) ay isang komprehensibo at kumpidensyal na reporting system na pinamamahalaan ng D-Quest (isang kumpanya na naghahatid ng ng hotline services at tools). Binibigyang-daan ng tool na ito ang mga empleyado (kabilang rin ang mga dating empleyado) at mga panlabas na whistleblower na mag-report ng mga paglabag. Sa pamamagitan ng paggamit ng Global Hotline, maaaring malaman ng Sekisui Chemical Group (“SEKISUI”) ang mga potensyal na problema at magsagawa ng mga aksyon upang mapigilan ang mga ito upang maprotektahan ang kumpanya, mga kasalukuyan at dating empleyado nito, mga ikatlong partido, at sinumang indibidwal na maaaring mapahamak dulot ng hindi tamang gawain.

A.Binibigyang-daan ng Global Hotline ang mga empleyado (kabilang rin ang mga dating empleyado) ng SEKISUI at ang mga business partner nito na mag-report ng mga paglabag sa batas, regulasyon, mga polisiya ng kumpanya, o iba pang mga alalahanin na mayroon kayo. Ang mga alalahanin ay maaaring base sa uri ng hindi tamang gawain, potensyal na epekto sa SEKISUI, o pareho. Hinihikayat kayong mag-report ng anumang alalahanin na mayroon kayo kahit na wala kayong kumpletong ebidensya o kaya ay hindi kayo sigurado na nagkaroon ng paglabag. Halimbawa ng mga hindi tamang gawain ang mga aksyon na:
-May kinalaman o maaaring magresulta sa signipikong hindi tamang financial reporting;
-May kinalaman sa kahina-hinalang accounting practice, panloloko, o auditing matters;
-May epekto sa ligtas na workplace environment;
-May kinalaman sa etika o pantay-pantay na oportunidad sa trabaho, kabilang na ang diskriminasyon, harassment, o retaliation;
-Hindi ayon sa batas;
-Lumalabag nang signipiko sa anumang polisiya o regulasyon ng kumpanya;
-Katumbas ng malubhang hindi tamang pag-uugali.

A.Direktang isinusumite ang mga report sa isang protektadong server. Maaari lamang i-access ang mga ito ng mga sumusunod na kumpanya ng SEKISUI na reponsable sa pag-assess ng report batay sa uri ng paglabag at kung saan naganap ang insidente. Lahat ng recipient mga report na ito ay nakatanggap ng training upang matiyak ang pinakamataas na antas ng pagiging kumpidensyal nito.

Sekisui Chemical Co.,Ltd.
SEKISUI EUROPE B.V. (*Para lamang sa mga report na may kinalaman sa mga kumpanya ng grupo sa EU)
SEKISUI AMERICA CORPORATION (*Para lamang sa mga report na may kinalaman sa mga kumpanya ng grupo sa South at North Americas)

A.Pinoprotektahan ng Global Hotline ang inyong pagkakakilanlan. Kapag pinili ng reporter na gumawa ng report nang hindi nagpapakilala, nararapat na protektahan ng D-Quest ang pagkakakilanlan ng reporter na hindi mabunyag sa SEKISUI. Gayunpaman, kung nais ninyong manatiling hindi nagpapakilala, nararapat ninyong tiyakin na ang katawan ng report ay hindi magbubunyag ng inyong pagkakakilanlan nang hindi sinasadya. Dagdag pa dito, may posibilidad na mabatid ng mga kinatawan ng SEKISUI ang pagkakakilanlan ng reporter dahil sa imbestigasyon. Sa mga pagkakataong iyon, pananatilihin ng mga kinatawan ng SEKISUI ang pagiging sikreto ng pagkakakilanlan ng reporter.